kathang isip ni Michael Feliciano Andres
Ang Brilyantes ay isang samahan ng mga napiling kabataan na binigyan ng mga natatanging kapangyarihan na siyang gagamitin sa pagligtas sa sangkatauhan laban sa mga masasamang balak ng kadiliman sa ating mundong kinalalagyan.Ito ang tinaguriang ipinangalan ng mga nilalang mula sa ikatlong mundo sa mga napiling kabataan mula sa mundo ng tao.Nangagaling ang Pangalang Brilyantes sa isang kumikinang na diyamanteng bato na nabasag sa pagguho ng palasyo de Engkantadia at napasakamay ng anim na kabataang naligaw sa ikatlong mundo.
MGA TAUHAN
1. EUGENE
Si Jonathan Eugene Madrigal ay kilala sa pangalang "Huge". Isa siyang heridero ng mayamang angkan ng mga Madrigal. Mula nang maging ulila si Eugene ay siya na ang nakilalang tagapamuno(Manager and Owner) ng Madrigal Foundations Incorporated (Isa sa mga sikat na advertising agency sa Asia). Siya ang napiling pinuno ng Brilyantes. Siya'y tinawag na "The lightning sword" dahil sa kapangyarihan niyang taglay na lakas ng kulog kasama ang bilis ng kidlat na galing sa malaki at matalas nitong espada.
2. JAZON
Si Jazon Henry Bautista ang pumapangalawa kay Eugene sa Brilyantes.Siya ay kababatang kaibigan ni Eugene. Civil Engineering-4th year college si Jazon nung napabilang siya sa Brilyantes. Isa rin ang pamilya niya sa mga tanyag na businessmen ng Pilipinas subalit matagal ng nasa ibang bansa ang mga magulang nito dahil sa pagpapaplanong magmigrate. Taglay ni Jazon ang kapangyarihan ng matigas at malamig na yelong lumalabas sa kanyang mga kamay kaya tinagurian siyang "The freezing constructor".
3. JANE
Si Elen Jane Asuncion ang dalagang Pilipina sa Brilyantes. Siya ang babaeng iniibig ni Eugene. Si Jane ay isang Nursing Student sa panahon na naligaw sila sa Engkantadia kung saan nila nakuha ang kanilang mga kapangyarihan. Ang lumalagablab na apoy ang taglay na kapangyarihan ni Jane kaya tinawag siyang "The blazing flame".
4. ANNETH Si Anneth Kusiano ang matalik na kaibigan ni Jane. Siya ang babaeng mahilig magbasa ng pocketbook na halos di na makausap dahil sa pagcareer sa dala dala nitong aklat."The flying fun" ang tawag sa kanya dahil sa taglay niyang malalaki at mahahabang paypay na ginagamit niyang espadang panlaban sa kalaban at pakpak sa paglipad nito sa himpapawid.
5. KAISEA
Si Kaisea Valnegas ang maarteng kaklase ni Jane at Anneth. Siya ang laging nagpapaganda Kikay(Beauty conscious) sa grupo.Siya rin ang shopaholic at fashionista sa magbabarkada. May koneksyon din siya sa pamilya ni Jazon dahil magkasosyo sa negosyo ang mga magulang nila. Siya ay nagtataglay nang kapangyarihan ng Hangin at ang Papapalaho o invisibility. Siya rin minsan ang nagdadala ng malakas na hagishis ng ipu-ipo.Siya ang tinawag na "The invisible beauty"
6. MAX
Si Max ang tinaguriang "The vision controller" dahil sa taglay niyang Lazer sa mata na kumokontrol ng gravity sa mundo. Siya ang pinakabata sa grupo noong una bago pa nasali sa grupo sina Tazzer, Frea, Melfa at marami pang iba.Siya ang nag iisang kababatang kapatid ni Kaisea. Addicted siya noon sa computer games at gameboy events.
7. HARING ADOLFO
Si Haring Adolfo ang hari ng Engkantadia. Siya ang natitirang maharlika sa dating angkan ng Engkanta.Siya ang may hawak ng brilyantes na bato. Siya rin ang pumili sa anim na kabataang nagagaling sa mundo ng tao.Taglay ni Haring Adolfo ang kapanyarihan ng puting bato ng Engkanta. Kaya niyang gumawa ng iba't ibang nilalang at kaya niya ring gumawa ng mapuersang kapangyarihan laban sa kapangyarihan ng kalaban.
8. DILIMUS
Si Dilimus ang hari ng Piernos ang tinaguriang lungga ng kadiliman.Siya ang may hawak ng itim na batong diyamante na nagtataglay ng salungat na kapangyarihan.Siya ang matinding kalaban ni haring Adolfo at siya rin ang mabigat na katapat ng mga Brilyantes.Ang salungat na kapangyarihan ni haring Dilimus ay ang panlilinlang at ang walang pusong paghamak sa sangkatauhan.
9. AIRA/AISA
Si Aira ang Reyna ng kadiliman na siyang asawa ni Dilimus. Siya ay dating si Aisa ang kasintahan ni Jazon na isa sa mga Brilyantes.Taglay ni Aira ang kapangyarihan ng mahahaba nitong buhok na lalong tumitingkad at lumalago sa kahabaan kapag ginagamit niya sa pakikipaglaban.
10. DORO
Si Doro ang matalinghagang duwende ng Engkantadia.Siya ang naging gabay ng mga naligaw na kabataan sa Engkantadia.Ang maliit na nilalang na ito ay may taglay na kapngyarihan ng pagbasa ng isip ng mga nilalang at ang pagpopropesiya ng mga magaganap na pangyayari kasama nang kanyang mahiwagang salamin.
IBA PANG MGA TAUHAN
*PRINSEPE ERVINO - IRVIN
*ANTY VIOLY
*PRINSESA FREA - LEA
*ALQUIN
*DIWATA FLORENTINA
*MELFA
*BRAGA
*DR. X
*MAGNUS
*TAZZER
*POLEKTYUS
*IKTYOS
*FELTUS
*JEINU
*PHOELINA
*REYNA VERONICA
*CAPTAIN ERIK
------------------------------------------------------------------------------------------------
_____________________________________________________________________
Part 1
ANG MGA NAPILING KABATAAN
Panimula
Makikita ang saya sa bawat mukha ng mga kabataan tuwing patapos na ang pang taunang klase.Bakasyon ang siguradong nasa isipan ng bawat estudyante. Para bang mga ibong nakalaya galing sa pagkakahagupit. Ang gandang pagmasdan ang bawat buntong hininga at bawat ngiti ng mga estudyanteng palabas ng paaralan pagkatapos ideklara ang katapusan ng klase. Iba't ibang pagpaplano sa bakasyon ang nasa utak nang mga ito.
Lalong kapansin pansin ang paglago ng populasyon sa siyudad ng Maynila dahil sa pagtatapos ng bawat eskwelahan. Dumami ang bilang ng kabataan sa labas ng mga lansangan, sa mga malls,LRT,MRT, bus, taxi at iba pa.Enjoy na enjoy ang mga kolehiyong nagsisipuntahan kahit saan dala dala ang kanilang mga class cards na tanda ng tagumpay nilang natapos ang huling semestre. Tinatangkilik nila ang pagkakataon na maglibang dahil sa maikling oras nilang bakasyon at dahil ang unang semestre ng klase ay susunod na naman.
Chapter 1
Buhay Siyudad